NANINIWALA kami na hanggang hindi ka nagiging totoo sa sarili mo at sa mga nakakasama mo sa trabaho ay hindi mo makakamtan ang pangarap mo.

Nasabi namin ito dahil sa isang premyadong aktor, na ang dami-dami nang malalaking projects, teleserye, pelikula, at out-of-town shows, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin pala niya naipapagawa ang bahay na matagal na niyang binabanggit para sa pamilya niya.

Laging ito ang dahilan ng premyadong aktor kapag nakakausap siya ng entertainment press. Nagsisipag daw siya para sa bahay na ibibigay niya sa kanyang pamilya, dahil nga hanggang ngayon ay umuupa pa rin sila.

Mahigit sampung taon na siya sa showbiz, pero dinaig pa siya ng mga baguhan na nagpapagawa na ng bahay, kahit maliit din ang talent fee ng mga ito sa mga seryeng ginagawa nila.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Tanda namin na nang makatsikahan namin ang mga baguhang batang artista ngayon, sinabi nila na sobrang nagtitipid daw sila dahil ipagagawa silang bahay. In fairness, inuumpisahan na ang pagpapagawa ng nasabing bahay that time, at take note nasa three or four years pa lang sa showbiz ang mga kausap naming ito.

Samantalang itong premyadong aktor, na kaliwa’t kanan na ang tropeo sa rami ng ginawang pelikula, waley pa rin. Saan niya dinadala ang kinikita niya?

Masama ang loob niya kapag nasisita siya ng taong nagmamalasakit sa kanya, dahil nga mas inuuna niya ang page-girlfriend kaysa mag-ipon. Gabi-gabi silang nagde-date, at saksi kami sa ilang babaeng nagdaan sa buhay niya, dahil lagi namin silang nahuhuli sa mga kilalang malls sa Metro Manila.

Panay ang tanggi niya sa kanyang manager na may girlfriend siya, kaya kapag nakakausap namin ang premyadong aktor, sinasabi namin kung saan namin siya nakita at natatameme na lang siya. Laging ganu’n ang kuwento niya, wala siyang girlfriend, pero meron.

Anyway, kaya namin ito nasulat ay dahil gusto naming mabasa niya para magising na siya sa katotohanan. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya nagsasabi nang totoo, at pinaglalaruan pa rin niya ang media.

At sana, ngayong bago na ang manager ng premyadong aktor, sana ma-realize niya ang lahat ng pangarap para sa kanya ng dati niyang manager, na itinuring siyang kapamilya.

-Reggee Bonoan