PANGUNGUNAHAN ni Fil-American Eric Cray ang laban ng Team Philippines sa pagratsada ng Philippine National Athletics Championships at Southeast Asian Youth Athletics Championships ngayon sa City of Ilagan, Isabela.
Makakasa ni Cray, ang reigning Southeast Asian Games champion sa men’s 400 meter hurdlers, ang mga foreign-based PH bets na sina Carter Lily, Kayla at Kyle Richardson, Natalie Uy at Fil-Canadian Zion Corrales-Nelson.
Pambato naman ng bansa sa pole vault si EJ Obiena, galing sa puspusang pagsasanay sa Europe, sa torneo na bahagi ng qualifiers para sa bubuuing koponan sa 30th SEA Games sa November.
Mahigit 1,000 atleta mula sa 15 bansa ang sasabak sa kambal na torneo na sisimula ng SEA Youth sa March 2-3 bago ang Open sa Marso 6-8.
Ito ang ikatlong sunod na taon na ilalarga ang torneo sa naturang lungsod na naging bahagi na ng programa ni Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) chief Philip Ella Juico.
"This is the biggest number of competing nations here and we can also assure of a stronger competition because other countries are also fielding their best bets here," pahayag ni Juico.
"The fact that Thailand is sending 50 athletes makes this tournament tough," aniya.
Kabuuang 38 event ang nakataya sa SEA Youth, habang 44 events kabilang ang dalawang mixed gender relays para sa Nationals.
Kabilang sa mga kalahok ang bansang Thailand, Malaysia, Vietnam, Brunei, Cambodia, Laos, Singapore, Myanmar, Timor Leste, Mongolia, United Arab Emirates, Jordan, Hong Kong, India at Chinese Taipei. Kristel Satumbaga.