Mapapanood ngayong Biyernes sa iWant ang director’s cut ng Glorious nina Angel Aquino at Tony Labrusca, na idinirek ni Connie Macatuno.

Angel, Tony at iba pang cast ng 'Glorious'

Angel, Tony at iba pang cast ng 'Glorious'

Ito na ‘yung kinuwento sa amin ng production manager ng Dreamscape Digital for iWant na si Ms Ethel Espiritu na abangan ang director’s cut ng Glorious dahil mas matitindi pa ang mga eksenang mapapanood.

Ibig sabihin, may nudity na sa director’s cut? Sino kina Angel at Tony ang gumawa nito? O baka mas matagal ang kissing at love scenes? Kaabang-abang nga.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Aliw naman ang post ng mommy Angel Jones ni Tony sa litratong magkakasama sila ni Angel sa nakaraang kaarawan nito.

“Happy Birthday Glory. Give Nico a 2nd chance,” caption ni Angel Jones, na tinukoy ang pangalan ng mga karakter nina Angel at Tony sa Glorious.

Ang cute, ‘di ba? In fairness, may chemistry sina Angel at Tony, kaso hindi naman nila type ang isa’t isa, sayang!

Anyway, busy as a bee ang aktor dahil hindi na raw siya halos natutulog, sabi ng taong malapit sa kanya. Bukod kasi tapings ng Mea Culpa kasama sina Jodi Sta. Maria, Kit Thompson, Sandino Martin, Ketchup Eusebio, Iwana Alawi, at Bela Padilla, mula sa direksiyon ni Dan Villegas for Dreamscape Entertainment, abala na rin si Tony sa shooting ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love. Kasama naman niya sa movie sina Jane Oineza, Jerome Ponce, Myrtle Sarrosa, at Albie Casiño, sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana for Regal Films.

Ginagawa rin ngayon ni Tony ang digital mini-series na Ang Babae sa Septic Tank 3 para sa iWant, na produced ni Atty. Joji Alonso, at si Marlon Rivera ang direktor. Si Eugene Domingo pa rin ang bida, na ayon sa kuwento ay siya na lahat ang direktor, bida, producer at iba pa.

Bukod dito ay may mga out of town shows pa si Tony in between, kaya sa sasakyan na lang daw natutulog ang aktor, habang bumibiyahe.

Kaya pala hindi na kayang tumanggap ng aktor ng iba pang project dahil wala nang pagsisingitan.

Anyway, plano namang ipalabas sa mga sinehan ang Cinema One Originals na Double Twisting Double Back nina Tony at Joem Bascon, at hinahanapan lang ng playdate.

Reggee Bonoan