MAY reunion sa bagong GMA 7 teleserye na Dragon Lady sina Bea Binene, Kristoffer Martin, at Derrick Monasterio bilang younger version ng main characters. Si Bea ang gaganap na young Diana Zubiri, na gaganap namang ina ng bidang si Janine Gutierrez.

Kristoffer, Bea at Derrick copy

Sa presscon kagabi ng bagong Afternoon Prime ng GMA-7 pa namin malalaman kung sinong young version ang ginagampanan nina Kristoffer at Derrick.

After six years, ngayon lang uli nagkasama sa isang project ang tatlo mula nang magkasama-sama sila sa Tweenhearts. Kaya ganu’n na lang ang tuwa ng tatlo nang magkita-kita sila sa taping.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sina Bea at Kristoffer nga, nag-asaran pa na husayan ang kani-kanyang arte na in fairness, sa napanoood naming teaser ni Bea, she was able to deliver.

Sina Bea at Kristoffer ay regular na nagkikita, dahil kabilang sila sa close friends ni Alden Richards. Kapag inimbita ni Alden ang mga kaibigan niya, na kasama rin si Rodjun Cruz, ay nagkikita sila.

Natatandaan din namin, nanligaw si Derrick kay Bea at nagdi-dinner pa nga sila. Hindi lang natuloy dahil ipinatigil si Derrick na i-pursue si Bea, dahil ka-love team noon ni Bea si Jake Vargas.

Kung alam lang siguro ni Derrick na mabubuwag din ang tambalan nina Bea at Jake, baka nagpursige siyang ligawan si Bea.

Anyway, sa March 4, after Eat Bulaga, ang time slot ng Dragon Lady nina Janine at Tom Rodriguez, sa direksiyon ni Paul Sta. Ana. Sa pilot week at hanggang second week siguro ang labas nina Bea, Kristoffer at Derrick sa serye.

-Nitz Miralles