Gagamitin ng Commission on Elections na ebidensiya laban sa mga kandidato ang mga binabaklas nila ngayong illegal campaign materials.

NAGBABAKLASAN DITO! Sinimulan ngayong Huwebes ng Task Force Baklas ang pagtatanggal ng mga illegal campaign materials sa San Andres Street sa Malate, Maynila. (ALI VICOY)

NAGBABAKLASAN DITO! Sinimulan ngayong Huwebes ng Task Force Baklas ang pagtatanggal ng mga illegal campaign materials sa San Andres Street sa Malate, Maynila. (ALI VICOY)

Ito ang tiniyak ngayong Huwebes ni Comelec Spokesperson James Jimenez, sinabing ang mga kandidatong mapatutunayang may illegal campaign materials ay kakasuhan sa paglabag sa Omnibus Election Code.

Sinimulan na ngayong Huwebes ang Joint Operation Baklas, sa pangunguna ng Comelec, katuwang ang Philippine National Police (PNP), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation (DOTr), at attached agencies ng mga ito; Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB); at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Suportado namin ang kampanya ng Comelec na baklasin ang mga illegal posters. Magbibigay kami ng guidelines sa lahat ng aming directors,” sabi ni PNP Chief Director Gen. Oscar Albayalde.

Ayon naman kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, pinapayagan ang paglalagay ng political ads sa mga pampublikong sasakyan kung sunod sa itinakdang sukat ang mga ito.

Bukod sa campaign posters na hindi sumusunod sa takdang sukat at wala sa common poster areas, kasama rin sa mga binaklas ang mga tarpaulin ng mga kandidato na may mga nakasulat na pagbati, dahil nagdudulot ang mga ito ng “name recall” kaya pasok pa rin sa kategoryang campaign materials, ayon kay Jimenez.

Kabilang sa mga lugar na unang sinuyod kaninang umaga ng Task Force Baklas ang EDSA Extension sa Pasig City; EDSA sa Pasay City; at mga kanto ng P. Ocampo at Roxas Boulevard, M. H. del Pilar at San Andres Street sa Maynila.

Pinakamarami sa mga nakumpiska ay materyales sa pangangampanya ng mga senatoriables at mga party-list groups.

-Mary Ann Santiago at Bella Gamotea