Veto ang naging aksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa The Positive and Non-Violent Discipline of Children Act, na layuning proteksiyunan ang mga bata sa anumang uri ng karahasan sa bahay, eskuwelahan, at iba pang institusyon.

(ROBINSON NINAL/ Presidential Photo)

(ROBINSON NINAL/ Presidential Photo)

Ang pinagsamang bersiyon ng Senate Bill No. 1477 at House Bill No. 8239 ay layuning protektahan ang mga menor de edad sa panununtok, paninipa, pananampal at iba pang uri ng pisikal na pang-aabuso ng kanilang magulang.

Naniniwala ang Pangulo na ang paggamit ng mga magulang ng corporal punishment sa pagdisiplina sa kani-kanilang anak ay nagiging dahilan upang sila ay sumuway sa batas at hindi dapat sundin ng Pilipinas ang gawain sa Western countries.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

Sa pag-veto sa nasabing panukala, sinabi ni Duterte na sang-ayon siyang dapat protektahan ang mga bata sa pamamahiya, hindi naman siya sang-ayon sa sakop ng panukala na pati sa mga bahay.

"I do not share such an overly sweeping condemnation of the practice," sabi ni Duterte sa kanyang veto message.

"Such manner of undertaking corporal punishment has given rise to beneficial results for society, with countless children having been raised up to become law-abiding citizens with a healthy respect for authority structures in the wider community," aniya.

"Regrettably, this bill places such responsible disciplining of children in the same category as humiliating and degrading forms of punishment, and condemns them all in one bad stroke," dagdag niya.

Sinabi rin ni Duterte na sa panukala ay papasukin ng gobyerno ang personal na buhay ng pamilya.

"The bill transgresses the proper boundaries of State intervention in the life of the family, the sanctity and autonomy of which is recognized by the Constitution," ayon kay Duterte.

-Argyll Cyrus B. Geducos