ANG mega-hit na Despacito na ng Puerto Rican singer na si Luis Fonsi ang may hawak sa titulong most watched video ever sa YouTube sa mahigit six billion views nito, inanunsiyo ng Google-owned service ngayong Martes.

Despacito_ copy

Ang video nina Fonsi at Puerto Rican rapper Daddy Yankee, ay unang inilabas noong January 2017 at siyang may hawak sa record ng fastest two billion, three billion and four billion views (272 days).

Ang Spanish-language hit ni Fonsi, na ang English title ay Slowly, ay halos dalawang bilyong views ang lamang mula sa nearest challenger nitong Shape of You ng British singer na si Ed Sheeran.

Marian, nakasungkit muli ng Best Actress award dahil sa 'Balota'

Ang South Korean singer na si Psy ang unang naungos sa two-billion-views barrier saplatform gamit ang kanyang hit na Gangnam Style noong 2012, na nagkaroon din ng dance craze.

Nasa ikalimang puwesto na ngayon si Psy sa YouTube charts na may 3.3 billion views.

-Agence France-Presse