HUWAG nang magtaka kung bakit tumigil na ang mga walang kapararakang controversial isyu tungkol kay Ahron Villena.

Ahron

Pagkatapos ng ilang viral photo/video scandals at amusing na sagut-sagutan nila ni Kakai Bautista sa media, biglang nanahimik si Ahron. Parang may mga dumaang bagyo at payapa na uli ang mundo.

‘Yun naman pala kasi, tinutulungan na siya ni Ogie Diaz sa pagpapatakbo ng kanyang career.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Hindi na ako masyadong kinakabahan sa ngayon na baka matagalan na namang wala akong trabaho,” simula ni Ahron nang makakuwentuhan namin sa Coffee Project Timog last Sunday.

“ K a s i d a t i wa l a n g k a s i g u r u h a n . ” Fresh na fresh na Ahron Villena ang nakaharap namin, malayo kumpara noon na parang lagi siyang haggard.

Seventeen years old siya nang ma-discover ng ABS-CBN sa “TV Idol Ur D” talent search segment ng MTB: Ang Saya-Saya. Marami na rin siyang nasalihang shows at pelikula kaya nakapagpatayo na ng sariling bahay at nakabili na ng condo. Thirty-one (31) years old na siya ngayon, pero pasado pa ring gumanap sa roles ng 21 years old.

Aminado si Ahron na naging mabagal ang dating ng mga trabaho nitong mga nakaraang taon. Sa kawalan ng ginagawa nangyayari ang mga eksperimento niya sa social media.

“Pinagsabihan ko siyang huwag nang selfie nang selfie at post nang post na ipinapakitang maganda ang katawan niya,” kuwento ni Ogie.

Obedient si Ahron sa kanyang manager, kaya huwag na tayong magtaka kung isa sa mga araw na ito, bumongga na ang career niya. Handang-handa na siyang ma g s imu l a n g mu l i s a showbiz.

-DINDO M. BALARES