Nag-uwi si Rami Malek ng Oscar statue, at maaaring pati ng mga pasa.

Rami Malek

Rami Malek

Itinanghal ang Bohemian Rhapsody star na Best Actor sa katatapos lamang na 91st Annual Academy Awards nitong Linggo, kung saan umakyat siya sa entablado para tanggapin ang tropeo at magpahayag ng acceptance speech. Pinasalamatan niya roon ang kanyang co-star at real-life girlfriend, si Lucy Boynton, and it was a perfect, flawless moment.

Ngunit pagkatapos nito ay nadapa ang 37 taong gulang na aktor habang pababa ng entablado at dumiretso sa audience seating area nang matapos ang seremonya, ayon sa ulat ng Entertainment Tonight .

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Nagawa namang mailigtas ni Rami ang nagniningning niyang tropeo nang madapa, dahil nahawakan niya ang Oscar bago pa man siya matumba sa harapan ng mga dumalong malapit sa unahan ng theater.

Sinuri naman ang aktor ng paramedics nang maitayo para sa posibleng injury.