Pangungunahan ng Shell ang panibagong big-time oil price hike bukas.

Gasolinahan sa Quezon City. ALVIN KASIBAN

Gasolinahan sa Quezon City. ALVIN KASIBAN

Sa abiso ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga bukas, Pebrero 26, ay nagtaas ito ng P1.45 sa kada litro ng gasolina at diesel nito, habang P1.35 naman ang nadagdag sa kerosene.

Magpapatupad din ng kaparehong dagdag-presyo ang Seaoil, Caltex, at Flying V bukas.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Pareho rin ang taas-presyo sa gasolina at diesel na ipinatupad ng Petro Gazz at PTT Philippines.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa panibagong price hike, na bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Pebrero 19 nang huling nagtaas ng 70 sentimos sa gasolina at diesel, habang 35 sentimos naman sa kerosene.

Bella Gamotea