NILINAW ng direktor ng Maalaala Mo Kaya na si Alco Guerrero na hindi si Maymay Entrata ang napiling gumanap bilang si Catriona Gray kapag isinadula na ang buhay ng Miss Universe 2018 sa MMK.

Maymay copy

Kaya naman daw pumutok ang balitang si Maymay ang gaganap bilang si Catriona dahil sa pahayag mismo ng huli na gusto niyang si Maymay ang gaganap sa kanyang karakter sa nasabing drama anthology.

Bukod pa rito, naging usap-usapan ang litrato kung saan nakasama ni Maymay ang shoe designer ni Catriona na si Jojo Bragais.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon sa mga netizens, mukhang si Maymay ang napiling gumanap bilang si Catriona sa MMK, ngunit wala namang opisyal na pahayag tungkol dito.

Matapos dumating ang beauty queen mula sa Amerika noong nakaraang linggo, tinanong ng isang netizen si Direk Alco tungkol sa litrato ni Maymay.

Nilinaw naman ng direktor na hindi ito para sa MMK, kung hindi para sa pagrampa at pasabog ni Maymay sa homecoming ni Catriona sa Linggo, Pebrero 24, sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

“Hello MayWard fam!!! Now that it’s out, let’s clarify things. What we shot with Maymay and Team Catriona is part of the show, and Maymay will be part of something special for the live event – she’ll be walking the runway,” tweet ni Direk Alco.

“[I’ve] been wanting to clarify since the shoot but of course we have to wait for official announcements. Ginapos ko na nga ‘yung hands ko eh… joke,” dagdag pa niya.

So there, ‘wag na sanang i-bash si Maymay dahil hindi naman niya kagustuhan kundi si Catriona mismo ang may gusto na ang dating Pinoy Big Brother housemate ang gaganap sa buhay ng ikaapat na Miss Universe sa MMK.

-ADOR V. SALUTA