NA-INTERVIEW si Paolo Contis sa presscon ng morning series ng GMA-7 na Hiram na Anak kung saan gaganap na naman siyang kontrabida. Sobrang kaiinisan si Paolo bilang si Benjo na husband ni Wena (Empress Schuck) at kabit niya si Dessa (Lauren Young). Isa pa, sinasaktan ni Benjo si Wena at ginusto pa niyang magsama-sama silang tatlo sa iisang bahay.

Paolo copy

Nangyayari ito sa totoong buhay, kaya sabi ni Paolo ay hindi na magugulat ang viewers. Pero magugulat sila sa mga eksenang mapapanood lalo na ‘yung eksenang sinasampal, tinaga at itinapon nina Paolo at Lauren si Empress sa ilog.

“Kulang pa ang mga eksenang napanood n’yo, marami pang gagawin si Benjo kay Wena, pero mabait ako at mapagmahal sa anak ko. Kaya gugustuhin ni Benjo (his character) na magbalikan sila ni Wena para sa kanilang anak,” kuwento ni Paolo.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sa February 25, bago mag-Eat Bulaga, ang pilot ng Hiram na Anak. Sabi ni Paolo, babaguhin nila ang programming sa umaga at umaasa silang magugustuhan ng Kapuso viewers ang naturang morning series mula sa direksiyon ni Gil Tejada Jr.,

Samantala, natanong si Paolo sa estado nila ng ex-wife niyang si Lian Paz na kasama ang kanilang mga anak at nakatira sa Cebu.

“Wala kaming communication with them of late. Everything is handled legally, but I’m sure they know already (na may anak na sila ni LJ Reyes). With regards to the annulment process, I can’t go into details, pero matagal nang tumatakbo. May mga delays na hindi inaasahan, pero it’s moving,” sabi ni Paolo.

Dagdag pa ni Paolo, ginagawa niya ang lahat para maging perfect ang kanyang pamilya kahit mahirap maging perfect. Ayaw daw niyang ma-feel ng kanyang mga anak ang conflict, kaya umaasa siyang maaayos na ang lahat ng problema.

-Nitz Miralles