ONE Warrior Series winner Mark “Tyson” Fairtex Abelardo ay sapat lamang ang ginawa sa kanyang debut sa main roster nang matalo niya si Daichi Takenaka ng Japan sa ONE: CLASH OF LEGENDS noong Sabado, Pebrero 16.

Isang a come-from-behind win sa dulo ng third round ang ginawa ni Abelardo nang masiko niya si Takenaka kaya ang technical knockout victory ay ibinigay kay Abelardo.

“Much respect to my opponent Daichi for come to scrap. He gave me one of the hardest fights to date,” sabi ni Abelardo.

Kasunod ng laban nila ng Takenaka ay handa na ulit patunayan ni Abelardo ang galin sa talent-filled division.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Sa kabila nito ay malayo pa rin siya sa isang potensyal showdown sa kasalukuyang ONE Bantamweight World Champion na si Kevin “The Silencer” Belingon, marami pang pang mas interesanteng laban na kahaharapina ang 27 anyos.

Isang rematch kay Takenaka ay isang logical na hakbang para kay Abelardo pero marami pa siyang ibang pagpipilian na pwedeng gawin.

Isa sa mga nakalinyang makaharap ni Abelardo ay kay Rock Man” Chen Lei ng China.

Nakalinya din sina Muhammad "Jungle Cat" Aiman ng Malaysia at "The Terminator" Sunoto ng Indonesia.

Sino man ang makatapat ni Abelardo ay nangako siyang mas gagalingan pa kaysa sa ipinakita niya sa Bangkok.

“Big thanks to ONE Championship for giving me the opportunity to showcase my skill to the world,” pahayag niya.

“I guarantee a much better performance in the future.”

-ONE Championship