CHARLOTTE, N.C. (AP) – Naisalpak ni Jayson Tatum ng Boston Celtics ang 3-pointer sa layong lagpas sa midcourt para maungusan si Trae Young ng Atlanta sa final round ng skills competition sa All-Star Saturday night (Linggo sa Manila).
Naungusan ni Tatum si Memphis’ star Mike Conley sa first round, bago pinatalsik si Denver’s Nikola Jokic sa semifinals.
Nahuli si Tatum sa bilis ni Young patungo sa three-point area para sa final shot kung kaya’t nagdesisyon siyang ibato na kaagad ang bola na suwerteng swak sa rim bago pa man maitira ni Young ang sariling bola.
Sinabi ni Tatum na dadalhin niua at ilalagak sa bahay ng kanyang ina ang tropeo, “just out here trying to have fun. I threw one up and it went in,” aniya.
Tinalo ni Jokic si Orlando’s Nikola Vucevic, nanalo si Young kay Sacramento’s De’Aaron Fox at ginapi ni Dallas’ Luka Doncic si Los Angeles Lakers’ Kyle Kuzma sa iba pang first-round matchups. Nanalo si Young kay Doncic sa semifinals.