Nadamay sa sunog ang “lucky car” ng re-electionist na si Senator JV Ejercito nang matupok ang isang auto shop sa Mandaluyong City, ngayong Lunes ng umaga.

SAYANG NAMAN! Kabilang ang sports car na ito sa mga ari-ariang natupok makaraang maabo ang isang auto shop sa EDSA, Mandaluyong City ngayong Lunes ng umaga. (MARK BALMORES)

SAYANG NAMAN! Kabilang ang sports car na ito sa mga ari-ariang natupok makaraang maabo ang isang auto shop sa EDSA, Mandaluyong City ngayong Lunes ng umaga. (MARK BALMORES)

Kinumpirma mismo ni Ejercito na nadamay ang kanyang Toyota Sequioa, na 10-taon na niyang pagmamay-ari, sa sunog na sumiklab sa Autoplus Car Center sa EDSA malapit sa Conneticut Street, Barangay Wack-wack.

“I feel sad, my car for the past 10 years, my Toyota Sequioa burned in the fire at Autoplus Car Center this morning,” tweet ng senador.

National

Atty. Kaufman, nagsalita sa umano'y 'request' hinggil sa ID requirements ng EJK victims

Inilarawan din ng senador na “lucky car” niya ang nasunog na sasakyan.

“Feeling sentimental because we’ve been through so many battles and it was my most reliable, not to mention 'lucky' car. Will be missing this car,” himutok pa ni Ejercito.

Iniulat din na napinsala sa sunog ang isa pang Ford Everest ng senador.

Batay sa ulat ng Mandaluyong Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na ganap na 11:35 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa naturang auto shop center.

Umabot lang sa ikalawang alarma ang sunog, na naideklarang under control dakong 11:56 ng umaga at tuluyang naapula dakong 12:38 ng tanghali, ayon kay Supt. Cristine Cula, ng Mandaluyong BFP.

Maliban sa pagkakatupok ng mga high-end o mamahaling sasakyan, wala namang iniulat na nasugatan o nasaktan sa sunog.

Inaalam pa naman ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang tinupok nito.

-Mary Ann Santiago