PATULOY na namamayagpag ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa ratings game at top-trending topics tuwing Linggo.

jessica soho

Matapos itong manguna muli bilang most-watched Kapuso program noong Enero, gumawa na naman ng panibagong record ang most-awarded magazine show nang pumalo sa 17.3% ang people rating ng programa sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) para sa episode nito last Sunday, February 10.

Isa sa mga talaga namang pinag-usapan noong nakaraang Linggo ay ang kuwento ni Iva Claire Jameralin—isang estudyante na dahil sa pangungulila sa kanyang nanay na OFW ay gumawa ng tula para rito. Marami ang naantig nang sorpresahin si Iva Claire ng kanyang ina habang binibigkas ng dalaga ang kanyang tula sa stage.

Tsika at Intriga

Braso ng 'cute boy' na naka-white jacket, pinasilip ni Kathryn Bernardo

Inaabangan din tuwing Linggo ang segment ng KMJS tungkol sa mga hindi maipaliwanang na pangyayari. Nitong February 10 nga, inimbestigahan ng programa ang manananggal na umaaligid daw sa Pangasinan.

Ngayong Linggo, Pebrero 17, aalamin naman ng KMJS kung totoong may UFO nga sa Negros Occidental. Tuwing sasapit kasi ang 6:00 ng gabi, isang kakaibang ilaw ang gumagalaw-galaw sa kalangitan sa isang lugar sa lalawigan. UFO raw ito. Fact o fake?

Dinarayo naman ang isang karinderya sa Rosales, Pangasinan, hindi dahil sa mga pagkaing inihahain nito. Dahil daw ito sa nakasabit na kalendaryo sa karinderya na may litrato ng Birheng Maria na lumuluha raw ng dugo? How true?

Samantala, lumalaki talaga ang dibdib ng mga babae tuwing sila’y nagbubuntis. Pero ang tanong ni Elvie, bakit nang siya’y muling nagdalantao, malahigante na ang inilaki ng kanyang dibdib?

Paborito lang noong kumbinasyon sa refrigerator cake, ngayon ay may bersiyon na ng taho, float, shake, at kung anu-ano pa ang Mango Graham.Panoorin ang mga ito at marami pang iba sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ngayong Linggo pagkatapos ng Studio 7 sa GMA 7.