Diallo, bagong hari ng NBA slam dunk

CHARLOTTE, N.C. (AP) — Bigyan ng daan ang bagong hari ng slam dunk.

YAAA! Mismong si Hall-of-Famer Shaquille O’Neal ay nagulat sa kakaibang dunk na ginawa ni Oklahoma City Thunder’s Hamidou Diallo sa NBA All-Star Slam Dunk contest nitong Sabado (Linggo sa Manila). Ginapi ni Diallo ang mga karibal. (AP)

YAAA! Mismong si Hall-of-Famer Shaquille O’Neal ay nagulat sa kakaibang dunk na ginawa ni Oklahoma City Thunder’s Hamidou Diallo sa NBA All-Star Slam Dunk contest nitong Sabado (Linggo sa Manila). Ginapi ni Diallo ang mga karibal. (AP)

Tinanghal na slam dunk king si Hamidou Diallo ng Oklahoma City Thunder sa ginanap na All-Star Weekend nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Kahanga-hanga ang istilo at taktika ni Diallo, tampok ang pagtalon sa nakatalikod na si Sgaquille O’Neal sa first round, bago ang impresibong finale katuwang si rapper Quavo.

Ginapi ni Diallo si New York’s Dennis Smith Jr., 88-85 sa final dunk. Nakiisa rin sa first round sina Charlotte’s Miles Bridges at Atlanta’s John Collins.

Kinagiliwan din ng crowd ang ginawa ni Smith nang talunan si Miami’s Dwyane Wade para kunin ang bola sa pasa ni Stephen Curry na umani ng perpektong 50 puntos sa mga hurado.

Ngunit, hindi na mawawaglit sa isipan ng basketball fans ang ginawa ni Diallo, nang hikayatin si ONeal na makiisa at talunan ang hall-of-famer para sa kagila-gilalas na dunk. At habang nakalambitin ang braso sa rim, binuksan niya ang harapan ng suot na jersey para maipakita ang simbolo ni ‘Superman’.