May 22, 2026

Home BALITA

Pag-iisyu ng certification of urgency para aprubahan ang GAA, karaniwang ginagawa ng Pangulo—Drilon

Pag-iisyu ng certification of urgency para aprubahan ang GAA, karaniwang ginagawa ng Pangulo—Drilon
Photo Courtesy: Senate of the Philippines (FB)

Kinumpirma ni dating Senate President Franklin Drilon na karaniwan daw sa isang Pangulo ang pag-iisyu ng certification of urgency para maipasa ang General Appropriations Act (GAA).

Matatandaang sinertipikahan as urgent ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang GAA 2024 at 2025.

Sa pagpapatuloy ng oral arguments ng Korte Suprema kaugnay sa isyu ng unprogrammed funds at budget insertions nitong Martes, Abril 21, tinanong si Drilon hinggil dito.

“May I know if it is usual that the president issues a certification of urgency for the approval of a GAA?” usisa kay Drillon.

“Yes,” sagot niya, “it is usual. It happens every year when I was in the Senate.”

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Dagdag pa ng dating Senate Presidente, "The purpose is to dispense with waiting for 3 days before distributing the printed copy.”

Isa si Drilon sa mga nagsilbing amicus curiae sa nasabing pagdinig para talakayin ang mga komplikadong isyu sa harap ng Korte. 

Nagsimula noong Abril 7 ang oral arguments kaugnay dito sa pinagsamang apat na petisyon na kumukuwesityon sa legalidad ng unprogrammed funds at  insertions sa GAA mula 2024 hanggang kasalukuyan.

Hiling ng mga nagpetisyon na mambabatas, taxpayer, at concerned citizen sa Korte Suprema, ipawalang-bisa ang ginawang adjustments ng Bicameral Conference Committee ng Kongreso para palobohin ang national budget sa tatlong magkakasunod na taon.