Plano ng Philippine National Police na palawakin ang cross-training ng mga pulis, kasama ang Philippine Army, upang mas mahasa ang kakayahan ng puwersa sa internal security operations.

Mga tauhan ng PNP-SAF (MB, file)

Mga tauhan ng PNP-SAF (MB, file)

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, ang cross training kasama ang mga sundalo ay hindi lang hahasa sa combat capability ng mga pulis, kundi pagtitibayin din ang interoperability ng pulisya at militar sa pagdakip sa mga rebelde at iba pang grupo gaya ng Abu Sayyaf.

“We encourage these cross trainings so that when there are joint operations in remote areas, they will have strong cooperation and collaboration with their military counterparts," sabi ni Albayalde.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Kamakailan, nasa 10 pulis ang nagtapos ng Scout Ranger training courses ng Philippine Army, isa sa mga ito ay sa sniping courses.

Sabi ni Albayalde na ang Scout Ranger courses ay talagang magagamit ng kanilang mga tauhan, partikular ang Public Safety Battalions at Companies at ang Special Action Force (SAF).

Sa kasalukuyan, nagpapatupad ang pamunuan ng PNP ng commando courses para sa mga bagong recruits, ngunit binibigyang pansin ang disiplina at stamina sa gitna ng pagkakasangkot ng mga baguhang pulis sa mga ilegal na aktibidad, gayundin ang kritisismo na ang ilang pulis ay masyadong mataba para habulin ang mga kriminal.

Samantala, ang Scout Ranger courses ay nakatuon sa pagpaplano at pagsasagawa ng operasyon at jungle survival.

-Aaron Recuenco