MATITIGIL na siguro ang mga haka-hakang hindi okay sina Boy Abunda at Kris Aquino matapos na padalhan ng sari-saring yellow flowers, gaya ng roses at tulips, ng King of Talk ang kanyang kaibigan at dating talent para sa birthday nito.

boy abunda

Nagsimula kasi ang tsikang hindi na okay sina Kuya Boy at Kris sa itsinismis ng taong kinasuhan ng huli ng qualified theft, at sinakyan at pinaniwalaan naman ito ng iba.

Mabuti na lang at nakausap namin ang isa sa mga kaibigang matalik at dating manager ni Kris, ang Dreamscape Entertainment digital head na si Deo T. Endrinal, at sinabi nitong super okay sila ng dating alaga. Sa katunayan, nagte-text sila at dumalaw pa ang Queen of Online World sa wake ng kanyang ina.

Tsika at Intriga

Luis, isa sa pinaka-qualified na artistang tumakbo, tumatakbo sey ni Jessy

Kaya naman inisip na may gap sina Kris at Kuya Boy dahil wala pang nakapag-interview sa huli, matapos na aminin ni Kris na hindi lang sila nagkaka-usap nang madalas ng dating manager dahil pareho silang busy, pero alam niyang okay sila.

Kaya naman pinakuhanan ni Kris ng video ang mga ipinadalang bulaklak ni Kuya Boy sa bahay niya sa araw mismo ng kanyang kaarawan, habang nasa Japan siya para mag-celebrate ng birthday niya roon, kasama ang mga anak at KCA staff.

Kaya sa mga gumagawa ng isyung hindi okay sina Kuya Boy at Kris, sana naman ay tumigil na kayo. Higit sa lahat, ayusin n’yo na lang ang mga buhay ninyo kaysa gumawa kayo ng kuwentong kutsero.

-Reggee Bonoan