MATAGAL nang laman ng blind items ang mag-asawang Mar Roxas at Korina Sanchez-Roxas na matutupad na raw ang pangarap na magkaanak dahil may nakuha na silang surrogate mother.

Mar & Korina

Kung tama kami ay may pito o walong taon na ang nakararaan nang ikinuwento ni Korina sa ilang miyembro ng entertainment press, kasama kami, na nakapagtabi na siya ng egg cells dahil plano naman din niyang magkaanak.

Ito kasi ang parating itinatanong kay Ms K noon, kung kaya pa niyang magkaanak dahil may edad na rin naman siya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Ready naman kami anytime, may hinihintay lang kami,” sabi niya noon sa amin.

At ito na marahil iyon. Baka may nakilala na silang perfect at match para dalhin nang siyam na buwan ang baby nila ni Mar.

Kung tutuusin nga ay mas nauna pa itong plano nina ex-Senator Mar at Korina kaysa kina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, na ngayon ay mayroon nang Scarlett Snow.

Anyway, hindi lang kami sure kung nasa ibang bansa na si Korina, tulad ng nababalita, para alamin ang magandang balita tungkol sa anak nila ni Mar. Abala kasi ang huli sa paglilibot sa mga probinsiya. Tulad nitong Huwebes, kung saan nasa Bicol siya para mangampanya kasama sina Senator Bam Aquino, at iba pang kandidato sa pagkasenador sa kanilang ticket.

Aabangan namin ang magandang balita mula kina Mar at Korina.

-Reggee Bonoan