ANO bang nangyayari sa ilang AlDub supporters, bakit isinisisi nila kay Arjo Atayde ang pagkamatay ng anak ng isang loyalistang fan dahil daw sa “fake news” na girlfriend na ng aktor si Maine Mendoza?

Post ni Avria Cassandra P. Mendoza: “Alam mo Arjo kung di dahil sa ‘yo buhay pa ang baby, e wala na e. Anong magagawa mo? Nang dahil sa ‘yo nakaranas kami ng ganitong sakit.

“Nung una Si Jake (Ejercito), pangalawa si Juancho (Trivino), ta’s ikaw ‘yung taong nagpasakit ng damdamin namin. Sobra na, Atayde. Kailan ka titigil? B*** ka ba, Atay? Nandamay ka pa ng tao na magpapasakit ng damdamin nila.”Maraming sumawsaw sa post na ito ng AlDub follower, na sinasang-ayunan nila, pero may mga nagtatanggol din kay Arjo.

Isang supporter din ng AlDub na si Nido Plus ang nagkomento: “Grabe naman ‘tong mga ‘to, isisi ba naman kay Arjo?! Hahahaha! Kayo lang may feelings? Kayo lang dapat maging masaya? Kakatawa talagang utak meron kayo! Pa-psycho nga kayo!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Marami pa kaming nabasang komento mula sa supporters ng love team nina Alden Richards at Maine na hindi puwedeng isulat, dahil pawang below the belt na.

Sana magising na sa katotohanan ang lahat sa kung ano man ang mayroon kina Arjo at Maine, lalo’t sila ang magkasama nitong nakaraang Araw ng mga Puso na hindi naman binanggit kung saan sila nagpunta, basta ang sabi lang sa amin, “somewhere na private at walang maraming makakakita.”

Huwag mag-aalala ang loyalistang supporters ni Maine dahil siguradong maalagaan siya ni Arjo. Kung ang pamilya nga ng dalaga ay tanggap ang binata, sana ganu’n din ang AlDub fans.

Samantala, maraming nagtatanong sa amin kung kailan lalabas ang karakter nina Arjo at Maricel Soriano sa The General’s Daughter. Sabi naming, na kapag napadpad na ulit si Angel Locsin sa isla kung saan nakatira ang mag-inang Elai (Arjo) at Manang Sabel (Maricel).

As of now kasi ay sa Maynila ang mga eksena ni Angel kasama sina Tirso Cruz III, Ryza Cenon, JC De Vera, Paulo Avelino, Eula Valdez, Janice de Belen, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, at Albert Martinez.

-Reggee Bonoan