PAMILYA na talaga ang turing kay Tom Rodriguez ng pamilya ng girlfriend niyang si Carla Abellana. Sa bawat family trip ng pamilya ni Carla ay kasama si Tom.

Carla at Tom copy

Ang latest na travel ni Carla at ng kanyang pamilya ay sa Japan, at doon din nag-celebrate ng Valentine’s Day ang magkasintahan.

Ang daming photos na ipinost si Carla na two words lang ang caption. Ang isang caption ay “My strength”, habang ang isa naman ay “My soulmate.”

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Tuwang-tuwa ang fans ng dalawa sa closeness ni Tom sa pamilya ni Carla, at lalong gusto nilang magpakasal na ang dalawa.

Anyway, nagkaroon ng time si Tom na umalis muna ng bansa dahil hindi pa nagsisimula ang taping ng Afternoon Prime nila ni Janine Gutierrez na Dragon Lady. Bago naman lumipad tungong Japan, nag-training muna si Tom sa dragon boat racing, dahil team captain ng Dragon Race ang role niya sa serye.

Si Janine naman, pumasyal sa Binondo sa Maynila para mag-obserba ng mga kulturang Chinese at tumikim na rin ng Chinese food. Filipino-Chinese kasi ang role niya sa Dragon Lady.

First team-up nina Tom at Janine ang Dragon Lady, sa direksiyon ni Paul Sta. Ana. Maganda ang concept ng story, na sure na magugustuhan ng viewers.

-NITZ MIRALLES