Sinimulan na ngayong Biyernes ng mga tauhan ng Commission on Elections (Comelec) ang monitoring at pagdodokumento sa illegal campaign materials ng mga kandidato para sa eleksiyon sa Mayo 13.

‘WAG PASAWAY! Nag-iinspeksiyon ang tauhan ng Comelec laban sa mga illegal campaign posters sa Maynila ngayong Biyernes. (CZAR DANCEL)

‘WAG PASAWAY! Nag-iinspeksiyon ang tauhan ng Comelec laban sa mga illegal campaign posters sa Maynila ngayong Biyernes. (CZAR DANCEL)

Ito ay kasunod ng pagtatapos ng grace period ng Comelec nitong Pebrero 14 sa mga kandidato para baklasin ang kani-kanilang campaign propaganda na wala sa common poster areas at mali ang sukat.

Sa monitoring ngayong umaga, kabilang sa mga nakita ng Comelec ang campaign materials na nasa mga poste ng kuryente, kawad ng kuryente, sidewalks, overpass, at center islands sa Tondo, Maynila.

National

15 katao nasawi sa pagkalunod sa kasagsagan ng Holy Week—PNP

Marami ring campaign materials na higit sa itinakdang sukat na 2×3 feet.

Kaugnay nito, muling hinikayat ng Comelec ang publiko na i-report ang mga illegal campaign materials na makikita sa mga lansangan.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, sa pagre-report ay kailangang ilagay ng netizens kung ano ang paglabag, lugar kung saan nakita ang election materials, petsa kung kailan kinunan ang larawan, at gamitin ang #SumbongSaCOMELEC.

-Mary Ann Santiago