Misal, kumpiyansa sa 9th Flexible Cup Table Tennis International

KUMPIYANSA ang pambato ng bansa na masosopresa at magagamit ang karanasan sa World Championship laban sa foreign rivals na makakaharap sa 9thFlexible Cup Table Tennis International Championship na nagsimula kahapon sa Harrison Plaza Activity Center sa Malate, Manila.

PINASINAYAHAN ni Philip Chan, VP for Operations ng Flexible Packaging Corporation, ang pagbubukas ng 9th Flexible Cup Table Tennis International Championship kahapon sa Harrison Plaza Activity Center sa Malate, Manila, habang puspusan ang ensayo ni RP top table netter at World Championship campaigner Russel Misal para sa kanyang kampanya laban sa mga foreign rivals. Nakiisa rin sa programa sina Table Tennis Association for National Development (TATAND) honorary president Charlie Lim, TATAP honorary chairman Seethan Salvador, TATAND official Philip Uy at Joey Sy.

PINASINAYAHAN ni Philip Chan, VP for Operations ng Flexible Packaging Corporation, ang pagbubukas ng 9th Flexible Cup Table Tennis International Championship kahapon sa Harrison Plaza Activity Center sa Malate, Manila, habang puspusan ang ensayo ni RP top table netter at World Championship campaigner Russel Misal para sa kanyang kampanya laban sa mga foreign rivals. Nakiisa rin sa programa sina Table Tennis Association for National Development (TATAND) honorary president Charlie Lim, TATAP honorary chairman Seethan Salvador, TATAND official Philip Uy at Joey Sy.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

misal2

“Kaya nating mag-champion. Kumpiyansa ako dahil tuloy-tuloy po ang ensayo after matapos yung World Championship. Talagang target ko dito gold medal,” pahayag ni Russell Misal, umabot sa Round-of-16 ng prestihiyosong  World Championship of Pingpong sa nakalipas na buwan sa London.

Makakaharap niya sa tatlong araw na kompetisyon ang mga karibal mula sa China, Indonesia, Malaysia, England, Chinese Taipei at United States.

"We’re happy and proud to be part of this endeavour. Our family have been supporting sports in years.  We need this kind of tournament, para ma-train natin ng husto ang mga players and in the same time ma-attract natin ang mga kabataan na subukan ang table tennis or other sports para makaiwas sila sa mga bisyo,” pahayag ni Philip Chan, Vice President for Operations ng Flexible Packaging Corporation.

Ikinasiya ni Chan ang patuloy na suporta sa kaunlaran ng table tennis na aniya’y isang sports na may malaking tsansa ang Pinoy na mangibabaw sa international arena.

“Actually, our family supports not only table tennis. My father is the Godfather of women’s basketball during the 80’s,” sambit ni Chan. “After Yanyan Lariba, meron tayong Misal. Kung magpapatuloy ang ganitongh development tiyak na may mararating tayo sa table tennis.”

Hindi man pumasok sa Finals, mistulang celebrity si Misal sa harap ng locakl crowd matapis niyang silatin ang home bet na si Englishman Ashley Stokes sa  Round-of-32.

 "Nung tinalo ko siya (Stokes) nagulat na lang ako dahil marami nang mga bata ang nagpa-autograph sa akin," sambit ng  22-anyos mula sa National University at 2017 UAAP Most Valuable Player.

Iginiit ni Misal na gagawin niya ang lahat para mabigyan ng karangalan ang bansa at patunayan na karapat-dapat siya sa National Team matapos pagkaitan ng pagkakataon ng Philippine Table Tennis (PTT) na makalaro sa tryouts para sa binuong koponan na isasabak sa 30th Southeast Asian Games sa Manila sa Nobyembre.

 “Gusto kong maglaro sa National Team pero ayaw nila akong pasalihin sa tryouts unless na talikuran ko raw ang grupo ko,” pahayag ni Misal, patungkol sa kanyang organisasyon na Table Tennis Association for National Development (TATAND).

Ayon kay TATAND honorary president Charlie Lim, ang Flexible Cup ay may nakatayang 20 events para sa lalaki at babae kung saan ang overall team champion ay maguuwi ng P50,000, habang ang male at female open singles champion ay may tig- P10,000.

-EDWIN ROLLON