Dalawang bagitong pulis at isang sibilyan ang nadakip sa inilatag na buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Macabug, Ormoc City, Leyte, kahapon ng umaga.

NARCO COPS

Kinilala ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Ormoc at ng Philippine Army (PA) ang mga naaresto na sina PO1 Ronelo Felizarta, 36, nakatalaga sa San Vicente Municipal Police sa Northern Samar; PO1 Pelboy Lopez, 31, ng Northern Samar Provincial Mobile Force Company, may asawa, ng Bgy. Salvation, Palo; at Ricsan Sale, 29, ng Bgy. Macabug, Ormoc.

Dinampot ng mga awtoridad ang tatlo dakong 11:50 ng umaga sa Bgy. Macabug, at nasamsaman umano ng limang plastic sachet ng hinihinalang shabu, dalawang cell phone, at isang .9mm caliber Glock 17 service firearm.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

-Marie Tonette Marticio