Nanawagan si House Deputy Speaker Pia S. Cayetano sa mga ina na ibalik ang tiwala ng mga ito sa mga bakunang subok nang nakapipigil sa mga sakit, tulad ng tigdas, polio, bulutong, at iba pa.
Sumentro ang panawagan niya sa mga ginang at sa lahat ng dumalo sa unang campaign caravan ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Pampanga, tungkol sa seryosong problema ng measles outbreak sa ilang rehiyon ng bansa, kasama na ang Central Luzon.
“Malapit ‘yan (immunization) sa puso ko dahil ho ako ‘yung may-akda ng Mandatory Immunization, isa sa unang batas ko nung ako ho’y pumasok sa Senado,” sabi ni Cayetano, tinukoy ang Mandatory Infants and Children Immunization Act (RA 10152).
“Kapag ang mga anak natin, hindi natin pinabakunahan, ‘yan ho ang pinakanakakatakot,” ani Cayetano.
Target ni Cayetano na makabalik sa Senado ngayong taon