Pinapayagan na ng pamunuan ng MRT ang pagpapasok ng liquid items sa mga istasyon at tren nito.
Payo ng Department of Transportation (DOTr) sa mga pasahero, dapat na hindi lalampas sa 100 milliliters (ml) ang ipapasok na tubig, gatas, pabango, lotion, at iba pa.
Kamakailan, naghigpit ang Metro Rail Transit (MRT)-Line 3, maging ang Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2, at hindi na pinayagan ang pagpapasok ng mga liquid items sa mga istasyon at tren dahil umano sa banta ng pagpapasabog, na mariing inalmahan ng publiko.
Una nang nilinaw ng MRT na ang mga nakumpiskang liquid items, katulad ng pabango, lotion, alcohol, sanitizer, at iba pa ay maaaring balikan at bawiin ng mga pasahero sa istasyon kung saan nakumpiska ang mga ito.
-Mary Ann Santiago