TATLONG larangan ng sports ang sentro ng talakayan sa 10th ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) sa Huwebes, Pebrero 14 sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

 Ilalahad ng Table Tennis Association for National Development (TATAND), sa pangunguna ni honorary president Charlie Lim, ang ilalargang 9th Flexible Cup International Table Tennis Championship sa Pebrero 15-17 sa Activity Center ng Harrizon Plaza sa Manila.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

 Makakasama ni Lim sa ‘Usapang Sports’ ganap na 10:00 ng umaga, si veteran internationalist  John Russel Misal na inaasahang magbibigay ng kanyang naging karanasan sa pagsabak sa World Championship of Pingpong kamakailan sa London kung saan umabot siya sa Round-of-16.

 Panauhin din sa lingguhang talakayan na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at at suportado ng National Press Club (NPC), sa pamumuno ni Lakay Gonzalo si billiards champion at ngayon ay Mandaluyong City Barangay Malamig Chairman Marlon Manalo.

 Bukod sa pagpapalakas ng sports program sa nasasakupang barangay, aminado si Manalo sa pagnanais na makabalik sa National Team upang makalaro sa 3oth Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.

 Bisita rin sa programa ng pinakabagong media sports organization sa bansa si dating collegiate star BJ Manalo, organizer ng Quezon City Basketball League (QCBL) kasama si Trinity College coach Alvin Grey.

 Ang TOPS ay binubuo ng mga lehitimong editors, reporters, columnists at photographers ng mga pangunahing tabloid na pahayagan sa bansa,kaakibat ang PTV-4 at ilang broadsheet newspapers. Inaaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng miyembro at opisyal, maging ang publiko na dumalo sa programa.