ROXAS CITY—Matapos dominahin ang podium sa Stage 2, muling umarya ang Pinoy riders, sa pagkakataong ito diskarte ni two-time champion Jan Paul Morales ng Navy-Standard Insurance ang nangibabaw sa State 3 ng 2019 LBC Ronda Pilipinas nitong Linggo sa Roxas City Hall.

KIKIG PA! Nakipaghatawan sa akyating bahagi ng ruta si PFC. Marvin Tapic ng Philippine Army-Bicycology Shop (kaliwa) sa unang grupo na umigpaw sa unang bahagi ng Stage 2 ng LBC Ronda Pilipinas sa Guimaras Island. Matikas na nakikihamok ang Pinoy riders laban sa foreign riders na kapwa nila naghahangad ng UCI points para sa 2020 Tokyo Olympics

KIKIG PA! Nakipaghatawan sa akyating bahagi ng ruta si PFC. Marvin Tapic ng Philippine Army-Bicycology Shop (kaliwa) sa unang grupo na umigpaw sa unang bahagi ng Stage 2 ng LBC Ronda Pilipinas sa Guimaras Island. Matikas na nakikihamok ang Pinoy riders laban sa foreign riders na kapwa nila naghahangad ng UCI points para sa 2020 Tokyo Olympics

Kumawala sa peloton ang Ronda king (2016 at 2017) sa huling 500 meters para pagbidahan ang 179.4-kilometer lap sa tyempong apat na oras, 35 minuto at 18 segundo.

Bumuntot si Dominic Perez ng 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines at Indonesian Projo Waseso ng Nex Cycling Team.

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

Ito ang unang stage win ng 33-anyos na si Morales sa UCI-sanctioned race na tinampukan ng walong foreign teams.

Kabilang sa nilagpasan ni Morales si two-time Southeast Asian Games gold medalist Mohd Harriff Saleh ng Malaysia Terengganu Inc. TSG Cycling Team.

“Nakaisa rin. Masaya po ako at least hindi lang tayo nakasabay sa foreign teams , nanalo pa tayo,” sambit ni Morales.

Sa Stage 2, nadomina ng Pinoy, sa pangunguna ni Marcelo Felipe ng 7Eleven ang podium kasama sina 2018 Le Tour titlist El Joshua Carino ng Navy-Standard.

Si Tour de France veteran Francisco Mancebo Perez ng Matrix Powertag Japan ang kumuna ng Stage 1.

Nanatili naman sa unahan si Mancebo sa overall lead tangan ang kabuuang oras na 12:22:46, 3:52 minuto ang lay okay reigning Ronda champion Ronald Oranza at 3:55 kay Perez.

Nakabuntot si Morales (4:35 )sa No. 4, Matrix’s Joo Daeyeong (4:53) sa No. 5 at 7Eleven’s Irish Valenzuela (5:20), 2012 Ronda winner, sa No. 6. Kabilang sa top 10 sina Army-Bicycology’s Mark Julius Bordeos (5:20) at 7Eleven’s Rustom Lim (5:28) at Marcelo Felipe (6:26).

Anf Ronda ay itinataguyod ng LBC, sa pakikipatulungan ng MVP Spor t s Foundation and supported by Versa 2-Way Radio, Juan Movement Partylist, Joel P Longares Foundation, Standard Insurance, Bike Xtreme, Green Planet, Prolite, Celeste Cycles, Maynilad, 3Q Sports, Boy Kanin, Mega World, Festive Walk, Seda Atria and LBC Foundation and in partnership with the Department of Tourism, Department of Environment and Natural Resources, Iloilo City at Province of Guimaras