NAGBALIK aksiyon at nakahandang duplikahin ang naging tagumpay sa 2016 Southeast Asian Games ang dating top woman rider ng bansa na si Marella Salamat.
Mismong si Salamat ang nagkumpirma ng kanyang pagbalik sa aktibong kompetisyon.
Katunayan, nagsasanay na ang 24-anyos kasama ng kanyang koponan na ngayo’y nasa ilalim na ng pamamahala ng 7-Eleven Cliqq by Roadbike Philippines para sa kanilang pagsabak sa darating na SEA Games sa Nobyembre sa Manila.
Partikular niyang pinaghahandaan ang tangkang pag-ulit sa kanyang gold medal finish sa women’s ITT o individual time trial noong 2015 edition sa Singapore.
Nagsimula ang kanyang puspusang pagsasanay noong nakaraang buwan kasama ng mga teammates na sina Irish Wong, Genesis Maraña, Marianne Dacumos, Rica Molina, Jamaeca Cruz Araña at Kim Nicole Oben sa ilalim ng kanilang beteranong coach na si Cesar Lobramonte.
Ngunit, bago ito sumabak sila sa matinding pagsasanay sa Hilagang Luzon partikular sa Pangasinan, Baguio, La Union at Subic.
Sa kasalukuyan, unti-unti ng bumabalik ang dating porma ni Salamat sa karera na pinatunayan ng kanyang naging tagumpay sa isang criterium race noong bago mag-Bagong Taon sa Cebu.
-Marivic Awitan