LIMANG Pilipino ang nakalistang No. 1 at 2 sa World Boxing Organization (WBO) world rankings nitong Enero kabilang ang dalawang No. 1 contenders na mandatory challenger ng mga Pilipinong kampeong pandaigdig.
Iniutos na ng WBO na magdepensa si WBO junior bantamweight champion at four division titlist Donnie Nietes kay No. 1 at mandatory contender Aston Palicte na kababayan niya sa Negros Occidental. Wala namang ibang Pinoy boxer sa dibisyon kundi si KJ Cataraja na nakalistang No. 15.
Sa minimumweight division, ang Pinoy boxer na si Vic Saludar na nakatakdang magdepensa sa Japan, ay nakalistang No. 1 contender si Roberto Paradero na iniutos ng WBO na kasahan si No. 6 ranked Wilfred Mendez ng Purto Rico pero nakansela ang kanilang laban nitong Disyembre.
Nakalista ring No. 8 si Rene Mark Cuarto, No. 10 si Joey Canoy at No. 11 si Melvin Jerusalem bilang contenders ni Saludar.
Sa mga pangunahing contender, maaaring hamunin ni No. 1 contender Genesis Servania si WBO featherweight champion Oscar Valdez ng Mexico ngunit nagharap na sila noong 2018 at nauwi sa kontrobersiyal na 12-round unanimous decision victory ang laban noong pabor kay Valdez,
Puwede namang hamunin si WBO light flyweight champion Angel Acosta ng Puerto Rico ng nakalistang No. 1 contender si Jonathan Taconing, No. 3 na si Edward Heno, No. 11 na si undefeated Christian Araneta at No. 15 na wala ring talong si Christian Bacolod.
Puwede ring hamunin ni two-time world title challenger Mercito Gesta si WBO lightweight at IBF lightweight champion Vasyl Lomachenko ng Ukraine samantalang tanging si No. 11 contender Joe Noynay ang maaaring humamon kay WBO super featherweight titlist Masayuki Ito ng Japan
Nakaamba namang humamon anumang oras kay WBO super bantamweight champion Emanuel Navarrete ng Mexico sina No. 2 conteder Albert Pagara, No. ranked 3 Juan Miguel Elorde at No. 6 na si dating WBO bantamweight champion Marlon Tapales
Sa bantamweight division na kampeon si Zolani Tete ng South Africa, nakalistang No. 10 ang walang talong si Carl Jammes Martin at nakalistang No. 12 ranked si interim WBA bantamweight champion Reymart Gaballo.
Sa flyweight division na kampeon si Kosei Tanaka ng Japan, nakalistang No. 5 contender si Giemel Magramo at No. 14 si Jayson Mama.
-Gilbert Espeña