Kabilang lamang ang 99 na dating trabahador ng Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines (HHIC Phils.) sa mga tinanggap sa isang job caravan sa Subic Bay Freeport Zone sa Zambales.
Sinabi ni Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Silvestre Bello III, kabilang lamang sa kanila ang skilled welder na si Marino Alquino.
Aniya, ipinasya ng ahensya na maglunsad ng Build Build Build Jobs Caravan upang matulungan ang mga nawalan ng trabaho sa kani-kanilang kumpanya sa Zambales.
Ang naturang mga trabahador ng HHIC Phils. ay agad na tinanggap ng New Masinloc Construction and Supply, ayon kay Bello.
Kuwento ni Alquino, nalaman lamang nito na may job caravan sa tulong ng social media.
Matatandaang naghain ang nabanggit na South Korean shipbuilder ng bankruptcy dahil sa pagtatapos ng kontrata ng natitira nilang 3,800 na trabahador sa Pebreo 15.
“This kind of job-matching and placement under the Build Build Build Program of President Rodrigo Roa-Duterte answers the needs of our jobseekers. We prefer that they be employed here because we need their skills in construction, shipbuilding, welding, structural fabrication, plumbing, rigging, carpentry, and plant services,” ayon pa kay Bello.
-Leslie Aquino