MAY bagong tahanan ang UFC sa FOX+. At ang tambalan ay tunay na magbibigay nang mas maaksiyon at mas malalaking programa para sa nangungunang Mixed Martial Arts sports organization sa mundo.

Mapapanood ng MMA fans at FOX+ subscribers ang inaabangang video-streaming, tampok ang duwelo sa pagitan nina Robert Whittaker at Kelvin Gastelum para sa Middleweight title fights sa UFC 234 sa Linggo (Pebrero 10).

Dominante si Whittaker sa naturang dibisyon at kasalukuyang UFC Undisputed Middleweight Champion, ngunit handa ang nakababata at sumisikat na fighter na si Gastelum na tukdukan ang kanyang paghahari.

Galing si Gastelum sa malaking panalo laban sa matitikas na sina dating kampeon Michael Bisping at Ronaldo Souza. Dehado man sa laban, marami ang umaasa na makakasilat si Gastelum.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Pinananabikan ang laban at ipinahayag ng ilang sports analysts na ang laban ay maililista bilang ‘fight of the night’ ngayong season ng UFC. At malugod na ihahatid ng FOX+ ang live coverage ng UFC para sa mga tagahangang Pinoy.

Matapos ang UFC 234, nakahanay para mapanood ng Pinoy FOX+ subscribers ang maaksiyonga laban, tampok ang pakikipagbuno ni dating ONE Championship titleholder Ben Askren kontra dating UFC Welterweight king Robbie Lawler sa UFC 235 sa Marso 2.

Nakalinya ring maipalabas sa FOX+ ang laban nina Assuncao vs Moraes 2 (Feb 3), Ngannou vs Velasquez (Feb 18), at Blachowicz vs Santos (Feb 24).

Mapapanood din ang aksiyon ng UFC sa FOX+ sa mobile devices, computers, Apple TV at select Android TVs. Download lamang ang FOX+ sa App Store at Google Play Store. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang foxplus.com.