Laro sa Biyernes
(Shabab Al Ahli Club)
8:oo n.g. -- Mighty Sports vs Al Riyadi
DUBAI, United Arab Emirates – Umusok ang rim sa ibinombang three-point shot ng Mighty Sports tungo sa dominanteng 108-94 panalo kontra Oil Sports of Iraq nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa 30th Dubai International Basketball Championship.
(HERBERT INPONLA)
Tulad sa nakalipas na mga laro, dinumog ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang Shabab Al Ahli Club, at ginantihan ng matikas na laro ng Mighty Sports ang kanilang pagsuporta para sa ikalimang sunod na panalo at makausad sa semifinals ng taunang torneo.
“Our initial goal is now accomplished but we’ll have a bigger task ahead,” sambit ni Mighty Sports coach Charles Tiu.
Sunod na haharapin ng Mighty Sports na pinangangasiwaan ng magkapatid na Alex at Caesar Wongchuking at itinataguyod ng Go For Gold, SMDC, Oriental Group at Healthcube ang Lebanon’s Al Ryadi sa Biyernes (Sabado sa Manila).
“It’s going to be one hell of a semis match for us,” ayon kay Tiu.
Iskor:
MIGHTY SPORTS (108) – Brownlee 26, De Liano 21, Gray 20, Adams 19, Morris 16, Brickman 6, Odom 0, Santillan 0, Gutang 0.
OIL SPORTS (94) – De Mario 26, Taylor 20, Hamzah 20, Aldoori 9, Ismael 6, Algburi 3, Alammari 0.
Quarterscores: 29-18, 57-46, 85-66, 108-94.
-REY LACHICA