Inamin ni Manila Mayor Joseph Estrada na nanuntok siya ng lalaki sa kasagsagan ng parade nitong Chinese New Year sa Binondo, Maynila at ipinaliwanag na iyon ay "outburst of anger".

Manila Mayor Joseph Estrada (MB, file)

Manila Mayor Joseph Estrada (MB, file)

Sa isang video na kumalat sa online, mapapanood si Estrada na sinuntok ang isang lalaki habang sakay sa truck at namimigay ng ang pao, nitong Pebrero 5.

Sa isang pahayag, na inilabas tatlong araw matapos ang insidente, sinabi ni Estrada na lumundag ang lalaki at kinuha ang kanyang kamay at muntik nang mahulog sa kanyang mukha.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Ang ang pao, ayon kay Estrada, ay naglalaman ng P20 at P50 bills.

"Isa itong insidente ng silakbo ng dugo dahil sa kagagawan ng taong walang pakialam sa kanyang kapwa," sabi ni Estrada.

Samantala, humingi rin ng paumanhin si Estrada nang maiulat na isang senior citizen ang natumba dahil sa gulo.

"Kung natumba ang matanda dahil sa pasaway na iyon, baka bumaba pa ako ng trak at nabigwasan ko pa siya," aniya.

"Gayunman, walang may gusto ng pangyayari at alam kong pagkabigla lang ang insidente kaya ako naman ay humihingi ng paumanhin sa publiko," dagdag niya.

Ria Fernandez