IPINAGDIWANG ng 7-Eleven, nangungunang convenience store chain sa bansa, ang ikapitong taon nang pakikiisa sa panawagan na pagkakaroon ng malusog na pangangatawan sa pamamagitan ng 7-Eleven Run na magkakasabay na isinagawa nitong weekend sa Luzon, Visayas at Mindanao.

HINDI naging sagabal sa isang runner ang kargang alaga para makiisa sa 7-Eleven Run

HINDI naging sagabal sa isang runner ang kargang alaga para makiisa sa 7-Eleven Run

Nakiisa sa 7-Eleven Run 2019 ang mga professional and recreational runners, gayundin ang running aficionados sa binitiwang karera sa Filinvest City, Alabang (Manila), kasabay nang paglarga sa Cebu (Visayas) at Davao (Mindanao).

Ito ang ikalawang pagkakataon na isinagawa ang 7-Eleven Run na magkakasabay sa tatlong venue. Noong 2018, mahigit sa 25,000 runners ang nakiisa.

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

Pawang binitiwan sa tatlong karera ang mga events na 500M, 3K, 5K, 5K Buddy, 10K, 10K Buddy, 16K, 21K, 32K at 42K.

Sa Davao leg na binitiwan sa SM City Davao ay may siyam na kategorya, kabilang ang 500M.

Ngayong taon, ipinakilala ang 32K category sa Cebu City, habang isinama ang 10K Buddy sa Davao City.

“7-Eleven Run series is regarded as one of the most anticipated marathons in the country today,” pahayag ni Jose Victor Paterno, President and CEO ng Philippine Seven Corporation. “This year, we’ve made it more interesting by adding more categories to better fit the demand of every type of enthusiast—from the recreational runner to the professional athlete. We believe that by doing a sporting event like the 7-Eleven Run, we can contribute to the growth and development of Filipino sportsmen who are well on their way to bring pride to our country.”