EXCITED na ang netizens na sumusubaybay sa seryeng Ika-5 Utos ng GMA mamayang hapon. Finale na kasi ng serye at nakalagay sa teaser nila na abangan ang “shocking finale.”

Gelli, Tonton at Jean

Tuloy may nagtatanong kung mamamatay daw bang lahat ang mga karakter sa serye. Nitong Martes, namatay na si Roxanne (Kim Rodriguez) na nilapa ng wild dogs sa bundok. Sino na kaya ang susunod na mamamatay? Pero kung mayroong gustong mamatay ng netizens, iyon ay si Clarisse (Valerie Concepcion), dahil lahat ng kaguluhan sa istorya ay siya ang may kagagawan. Walang compassion ang kanyang character at mistula na siyang baliw sa mga naiisip niyang gawin na ikasasama ng kanyang mga kaibigan. Maituturing na siyang mamamatay-tao dahil pinatay niya ang asawa ni Eloisa (Jean Garcia). Napatay naman ni Carlo (Jake Vargas), anak ni Kelly (Gelli de Belen), si Leo (Kiko Estrada) sa hazing ng fraternity nila.

N g a y o n , a n g nanganganib mamatay ay si Thirdy, ang anak nina Eloisa (Jean Garcia) at Emil (Tonton Gutierrez) na nakuha na ni Clarisse. Pero mukhang hindi lamang si Thirdy ang nanganganib dahil napagsama ni Clarisse, sa tulong ng mga tao niya, sina Eloisa at Kelly na mailagay sa isang malaking kahon at ihulog sa isang malaking hukay.

KILALANIN: Sino si Denise Julia na inireklamo ni BJ Pascual?

Kaya huwag palampasin ang shocking finale ng Ika-5 Utos mamayang hapon, after ng Asawa Ko, Karibal Ko, directed by Laurice Guillen.

-Nora V. Calderon