Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

4:30 pm Phoenix vs. NLEX

7:00 pm Rain or Shine vs. Northport

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

MAPATIBAY ang kanilang kapit sa top two spots ng team standings ang kapwa tatangkain ng mga namumunong Phoenix Pulse at Rain or Shine sa pagsalang nila sa magkahiwalay na laban ngayong araw na ito para sa 2019 PBA Philippine Cup.

Unang makikipagtunggali ang wala pang talong Fuel Masters (4-0) na itataya ang kanilang malinis na imahe ganap na 4:00 ng hapon kontra NLEX Road Warriors sa MOA Arena sa Pasay.

Susunod naman ang Elasto Painters na kasalukuyang pumapangalawa sa hawak na 4-1, panalo-talong baraha kontra Northport Batang Pier ganap na 7:00 ng gabi.

Huling tinalo ng Phoenix ni coach Louie Alas ang Blackwater noong nakaraang Biyernes-Pebrero 1 sa iskor na 114-95 sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Para kay Alas, ipagpapatuloy lamang nila kung hindi man mahigitan pa ang ipinapakita nilang laro lalo na sa depensa.

Inaasahan namang bibigyan sila ng matinding laban ng Road Warriors na hangad naman ang ikatlong sunod nilang panalo makaraang mabigo sa unang dalawa nilang laro.

Gaya sa nakaraang dalawang dikit nilang panalo, pinakahuli kontra Meralco noong nakaraang Sabado-Pebrero 2 sa iskor na 85-72 sa Antipolo,muling sasandig ang Road Warriors sa pamumuno ng kanilang reliable na bagong slotman na si Poy Erram.

Samantala sa tampok na laban, kasalukuyang magkasunod sa likuran ng namumunong Phoenix sa team standings, umaatikabong bakbakan din ang inaasahang mamagitan sa Elasto Painters at Batang Pier.

Hangad ng Rain or Shine na makapagsimula ng panibagong winning run matapos maputol ang nasimulan nilang back-to-back wins at makabalik sa winning track noong Pebrero 3 sa pamanagitan ng 85-72 paggapi sa Alaska.

Sa kabilang dako, magkukumahog naman ang Northport na bumangon sa natamo nilang 100-110 na pagkabigo sa kamay ng Columbian Dyip noong Enero 25 na pumigil sa panimula nilang dalawang sunod na panalo.

-Marivic Awitan