Umakyat na sa 60 ang mga nasawi sa tigdas sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

PAGALING KA, HA? Sinalat ni Health Secretary Francisco Duque III kung may lagnat pa ang tinigdas na sanggol na isa sa mga naka-confine sa San Lazaro Hospital sa Maynila na binisita ng kalihim ngayong Biyernes. CZAR DANCEL

PAGALING KA, HA? Sinalat ni Health Secretary Francisco Duque III kung may lagnat pa ang tinigdas na sanggol na isa sa mga naka-confine sa San Lazaro Hospital sa Maynila na binisita ng kalihim ngayong Biyernes. CZAR DANCEL

Ito ay matapos na bawian na rin ng buhay ang isang tatlong taong gulang na bata sa naturang pagamutan nitong Huwebes ng gabi, dahil sa kumplikasyon ng tigdas.

Ayon kay Dr. Ferdinand de Guzman, tagapagsalita ng pagamutan, inaasahan na nilang lalo pang darami ang mga pasyenteng isusugod sa kanilang ospital, lalo na at nasa kalagitnaan pa lang ngayon ng peak season ng tigdas.

Probinsya

Mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, kumpare raw ng mga biktima

Kinumpirma rin ni de Guzman ngayong Biyernes ng umaga na isang isang-taong gulang na may tigdas ang kritikal ang kondisyon, ngunit tiniyak na ginagawa ng mga espesyalista ng ospital ang lahat upang maisalba ang buhay ng bata.

“Nasa kalahati pa lang tayo ng season, actually ng fever rashes. So expect po na mag-i-increase po iyan,” ani de Guzman.

Dagdag pa niya, ngayong 2019 ay tumaas na ng 300-400% ang bilang ng mga pasyente ng tigdas na isinugod sa San Lazaro, kumpara sa kaparehong panahon noong 2018.

Matatandaang una nang nagdeklara ang Department of Health (DoH) ng measles outbreak sa Metro Manila, gayundin sa Calabarzon, Central Luzon, Western Visayas, at Central Visayas.

Mary Ann Santiago