Libu-libong employer ang inaasahan ng labor department na magkakaroon ng massive voluntary regularization simula ngayong Pebrero.
Ito ay matapos na ipahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang kasunduan ng Employers Confederation of the Philippines (ECoP) para sa pagpapatupad ng voluntary regularization plan, na sumasaklaw sa 30-40% ng mga manggagawa sa 3,200 pre-identified establishments, na karamihan ay miyembro ng ECoP.
“We are confident that this agreement will set the stage for the massive regularization to be voluntarily initiated by the rest of the employers nationwide,” ani Bello.
Ang Memorandum of Agreement on National Voluntary Regularization Plan ay itinakda ngayong Biyernes, Pebrero 8. Ang plano ay sasaklaw sa inisyal na 220,000 manggagawa.
Ilan sa mga kumpanyang nagsumite ng kanilang voluntary regularization plan ay ang SM Malls, na nakapag-regularize na ng 11,660 manggagawa; at Jollibee Foods Corporation.
-Mina Navarro