Ang mga rebeldeng susuko sa gobyerno ay mabibigyan ng pagkakataong magmay-ari ng lupa sa ilalim ng bagong direktiba ni Pangulong Duterte.
“The President directed the inclusion of New People’s Army surrenderees in the next round of land distribution,” saad sa pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kahapon.
Ipinag-utos ng Pangulo na isama ang mga sumukong rebelde sa land distribution program ng pamahalaan sa kalagitnaan ng pulong ng Gabinete sa Malacañang nitong Miyerkules.
Nitong Disyembre, ipinag-utos ni Duterte ang pagbuo ng national task force na magwawakas sa lokal na armadong komunismo sa bansa. Ang task force, na pinamumunuan ng Pangulo, ay inatasang magtatag at magpatupad ng “National Peace Framework” na magtatampok ng mga development at peace-building initiatives sa mga lugar na may kaguluhan.
-Genalyn D. Kabiling