Inihahanda na ni House Minority leader Danilo Suarez ang ihaharap na kaso laban kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa maanomalyang P75 bilyong flood control projects sa Sorsogon.

DIOKNO

"My legal [team] is already looking at the possible angle of the charges that we will be filing against the Secretary," paliwanag ni Suarez, ang kongresista sa ikatlong distrito ng Quezon.

Kinuwestiyon nito si Diokno dahil umano’y pagsisingit nito ng mga proyekto sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na lingid sa kaalaman ni Secretary Mark Villar.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

"Naglagay ka ng major [infrastructure projects] sa isang departamento na ang focus ng trabaho ay public works. Tapos naglagay ka ng P75 billion, initially, na ikaw ang nagsabi kung ano ang gagawin...Tapos ngayon ia-identify mo puro flood control [projects]; identified ‘yung contractor. ’Yung kanyang anak subcontractor, tumanggap ng P81 million, anim na tseke sa Landbank," ayon sa mambabatas.

Sinabi pa ni Suarez, ang anak ni Diokno na si Charlotte Justine Diokno-Sicat ay asawa ni Romeo Sicat, Jr., na may-ari ng Aremar Construction firm na nagsisilbing subcontractor sa proyekto.

Ellson A. Quismorio