KINAKAILANGANG alam ng mga mamamahayag ang kanilang mga karapatan.

Ito ang iginiit ni Presidential Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martian Andanar sa mga mamamahayag ng Davao Del Sur, kasabay ng paniniguro na gagawin ng ahensiya ang bahagi nito sa pagtugon at upang maiwasan ang mga pamamaslang at harassment sa mga media.

“Media are good at promoting, we can even help candidates win. But we don’t have enough representation. It’s about time that we establish a guild to defend our rights,” ani Andanar.

“We are so passionate in fulfilling our duties but our benefits are lacking,” dagdag pa niya.

Night Owl

Marupok ang demokrasya—ngunit nasa mamamayan ang tunay na lakas nito

Bilang isang dati ring media practitioner, binigyang-diin ni Andanar na bahagi ng kanyang adbokasiya ang isulong ang interes para sa media.

Namahagi din ang PCOO chief ng kopya ng Handbook on Personal Security Measures for Media Practitioners sa lokal na mamamahayag sa lugar.

Inihanda ng PCOO’s Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), layon ng handbook na maibahagi sa mga media practitioners ang mga precautionary measures upang masiguro ang kanilang kaligtasan lalo na kapag kumukuha ng mga balita.

“Read this handbook, this will greatly help you in fulfilling your duty,” ani Andanar.

Sinabi rin ng opisyal na bukas siya sa pagsagot sa mga mga hinaing ng media.

“I have an open communication policy. If you have a problem, just call me and I might be able to help you. If you need to interview me, text or call me and we’ll definitely get to talk because I only have one contact number,” paliwanag ni Andanar.

Samantala, iginiit din niya ang kahalagahan ng pagsasagawa ng mga workshops tungkol sa cyber law at fake news.

PNA