TULOY ang Oscar ceremony ngayong taon kahit walang official host, at ito ang pangalawang pagkakataon sa kasaysayan ng awards show, inanunsiyo ng ABC television executive nitong Martes.

OSCARS_

Tatlong linggo bago ang inaabangang highest honors sa movie industry, inihayag ng ABC entertainment president na si Karey Burke nitong Feb. 24 na matutuloy ang event kahit wala itong host at “just have presenters host the Oscars.”

Ang ABC, unit ng Walt Disney Co ang nag-eere ng Oscars ceremony taun-taon at katuwang ito sa pagpaplano sa telecast.

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor

Matatandaang nagbitiw ang komedyanteng si Kevin Hart noong December na maging host ng Oscars makaraang batikusin sa naglabasang dati nang homophobic tweets. Walang inanunsiyo na sasalo ng nasabing posisyon ngunit tuloy ang seremonya.

Isang beses pa lang nawalan ng host ang Oscars ceremony sa 91-year history nito, noong 1989.

Inihayag ni Burke na ang desisyon ay isinulong bunsod ng “messiness” sa pagbitiw ni Kevin at pagtatangka nitong makuha ulit ang posisyon.

“After that, it was pretty clear that we were going to stay the course and just have presenters host the Oscars. We all got on board with that idea pretty quickly,” sabi ni Burke sa mga mamamahayag sa Television Critics Association meeting sa Los Angeles suburb of Pasadena.

Aniya, nangako ang Academy of Motion Picture Arts and Sciences, na siyang nag-oorganisa ng Oscars, sa ABC noong nakaraang taon na pananatiling tatlong oras lamang ang telecast –30 minutong mas maikili sa mga nakalipas na seremonya.

“So the producers, I think, decided wisely to not have a host and to go back to having the presenters and the movies being the stars,” ani Burke.

-Reuters