HABANG medyo hindi pa busy si Alden Richards, siya ang personal na namamahala sa malapit nang magbukas na fast food chain franchise niya sa McDonalds Philippines.

Alden copy

Nagsimula na siyang i-supervise ang pre-opening marketing preparation, na maaga niyang ginagawa ang meeting, bago siya mag-report sa Eat Bulaga sa APT Studios in Cainta, Rizal.

Nag-post din si Alden sa kanyang Twitter (@aldenrichards02), na naghahanap siya ng magiging crew members ng kanyang fast food franchise sa Biñan, Laguna.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

“Grow with us. Join us as a crew member and learn lifelong skills with our world-class training, incentive programs and enrichment activities. Apply now! Send your resume at [email protected],” tweet ni Alden.

Magbubukas ang nasabing store bago matapos ang April, 2019.

May promo rin si Alden para sa kanyang Concha’s Garden Cafe sa Scout Madrinan, Quezon City; at sa Concha’s Garden Cafe niya sa Tagaytay, for Valentine’s Day—dinner date lang naman kasama ang aktor.

Ang promo period ay from February 1 to 28, 2019.

Malalaman ang promo mechanics sa Facebook page ng Concha’s Garden Cafe.

Ihahayag kung kailan ang dinner date with Alden pagkatapos ng live draw, na gagawin niya sa March 1, 2019.

-Nora V. Calderon