PATULOY na kinikilala ng pamahalaan ang media bilang mahalagang sektor sa pag-unlad ng bansa, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

“In nation-building, media is a non-negotiable sector that we should work with, that is why we are engaging (them) now,” pahayag ni Andanar, sa isang pulong kasama ang mga mamamahayag ng Bulacan nitong Sabado.

Ayon kay Andanar, nananatiling nakatuon ang administrasyon sa pag-agapay sa mga mamamahayag ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga government-led efforts, katulad ng pagbuo ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), ang paglulunsad ng press freedom caravan, at ang pinakabago—ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa media mapalokal man o pambansa.

“In the first few weeks of 2019, we already went to Dapitan, Dipolog, Cebu, Nueva Ecija, Cavite, Cagayan de Oro, Pampanga, and now Bulacan to meet the press,” aniya.

Night Owl

Bakit Dapat Tumanggi ang Pilipinas sa Online na Pagboto

“(We are strengthening) media engagement because I believe it is only through media engagement that I will be informed what issues in different regions they face. Once we know the issues, we can now create media solutions,” dagdag pa niya.

Sa pagpupulong, isa sa mga dumalo ang nanawagan ng tulong sa PCOO para sa pagsusulong ng mas mataas na kita ng mga mamamahayag, partikular ang mga nasa pahayagan.

Dahil pribado ang mga publikasyong nakapaloob, ipinaliwanag ni Andanar na walang kakayahan ang ahensiya na impluwensiyahan ang mga kumpanya.

“There should be a guild composed of all media organizations here who can fight for our rights. (As PCOO secretary) we cannot govern you and we cannot meddle in your management,” aniya.

Samantala, siniguro naman ng opisyal na mga dumalo na handa ang ahensiya na magbigay ng anumang tulong na maaari nitong ibigay.

“First, the handbook of the PTFoMS here translates our effort to ensure the security of all mediamen in the Philippines. In this book, we have the PTFoMS hotlines where you can call 24/7,” aniya.

“Number two, we are implementing the media government bridge policy in our bid to help our fellow media workers in any way we can,” dagdag pa niya.

Ang pagbisita ni Andanar sa Bulacan ay para sa layuning “establish good relations” sa mga mamamahayag at bilang bahagi ng polisiyang “media government bridge” ng ahensiya.

PNA