Dumalaw sa puntod ng kanyang mga magulang si Pangulong Duterte nitong Lunes ng gabi, bilang paggunita sa ikapitong anibersaryo ng kamatayan ng kanyang ina na si Soledad Duterte.

SI NANAY SOLING Dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa puntod ng kanyang inang si Soledad Duterte sa Davao City nitong Lunes ng gabi, bilang paggunita sa ikapitong anibersaryo ng kamatayan nito.

SI NANAY SOLING Dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa puntod ng kanyang inang si Soledad Duterte sa Davao City nitong Lunes ng gabi, bilang paggunita sa ikapitong anibersaryo ng kamatayan nito.

Nag-alay ng panalangin ang Pangulo, na napaulat na nagkasakit nitong Biyernes, kasabay ng pagtitirik ng mga kandila sa puntod ng kanyang ina sa Davao City.

Kasamang bumisita ni Duterte si dating Special Assistant to the President Bong Go, na nagbahagi sa media ng mga larawan ng Presidente sa pribadong pagbisita.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Taong 2012 nang yumao ang ina ng Pangulo na isang dating guro at civic leader.

Mataas ang respeto ni Duterte sa kanyang ina, na ang mga naging sakripisyo para sa kanilang pamilya ay madalas niyang nababanggit sa kanyang mga talumpati.

Ginawa ni Duterte ang pagbisita sa puntod ng ina sa gitna ng mga espekulasyon tungkol sa kanyang kalusugan, makaraang hindi siya makadalo sa isang mahalagang event sa Leyte nitong Biyernes.

Genalyn D. Kabiling