OPISYAL nang mahahati sa dalawang legislative district ang lalawigan ng Southern Leyte.
Ito ay makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act 11198 nitong Pebrero 1, tatlong buwan bago ang midterm elections sa Mayo.
Kasama sa first legislative district ang Maasin City at ang mga bayan ng Macrohon, Padre Burgos, Limasawa, Malitbog, Tomas Oppus at Bontoc.
Ang mga bayan ng Sogod, Libagon, Liloan, San Francisco, Pintuyan, San Ricardo, Saint Bernard, Anahawan, San Juan, Hinundayan, Hinunangan at Silago naman ay makakasama sa second legislative district.
Nakasaad sa batas na ang incumbent representative ng lone legislative district ng Southern Leyte ay magpapatuloy na magiging kinatawan ng distrito hanggang sa maihalal ang bagong kinatawan ng mga bagong mga distrito.
Isinilang si Pangulong Duterte sa Maasin City noong Marso 28, 1945.
-Beth Camia