PINABAGSAK ng San Juan ang Malabon, 103-74, habang pinayuko ng Pasigueno ang Rizaba, 79-65, upang simulan ang kanilang mga kampanya sa Community Basketball Association (CBA) Founder's Cup sa San Juan Coliseum.
Nagsanib pwersa sina John Acol at Noah Lugo para sa San Juan sa nasikor na pinagsamang 41 puntos para pamunuan ang wire-to-wire na panalo ng Knights.
Pakitang gilas si Acol sa kanyang 22 puntos, tampok ang 6-of-9 shooting mula sa three-point area. Nakatuwang niya si Lugo na may 19 puntos.
Umabante ang San Juan sa 64-37 bentahe sa halftime.
Nag-ambag si Joseph Marquez ng 10 puntos, walong rebounds at apat na assists para sa Knights nina team owners Joey Valencia at Jay Cancio at coach Randy Alcantara.
Nanguna naman sina James Castro at Jessie James Collado sa kanilang tig -20 puntos para sa Arceegee Sportswear-supported Malabon team.
Magilas din ang panimula ng Pasigueno, na namayani laban sa Rizaba sa unang laro. Pasimuno sina Francis Ronquillo, Jerome Clarianes at Jonathan Boholano para sa Pasigueno nina team owner Raymond Lising at coach Lito Jacob.
Si Ronquilo ay may 15 puntos, kasunod si Clarianes na may 13 at Boholano na may 12 para sa Pasigueno.
Ang CBA ay itinatag ni actor-director Carlo Maceda, kasama sina Pido Jarencio bilang consultant at Beaujing Acot bilang operations head.
Sa opening nitong Enero 27, tinalo ng One San Mateo ang Malabon, 87-75.
Iskor:
(Unang Laro)
Pasigueno (79) - Ronquillo 15, Clarianes 13, Boholano 12, Jacinto 9, Pinili 6, Diaz 6, Trinidad 4, Fajardo 4, Malinao 4, Gallano 3, Rodriguez 3
Rizaba (65) - Lodia 19, Se 13, Lobarbio 7, Infante 7, Peig 5, Zapatero 4, Razon 2, Figuracion 2, Mercado 2, Arellano 2, Arcilla 2, Dimaala 0.
Quarterscores: 19-9, 34-32, 56-47, 79-65
(Ikalawang Laro)
San Juan (103) - Acol 22, Lugo 19, Marquez 10, Saret 8, Gabawan 8, Reyes 6, Arcusa 6, Clarito 5, Bonifacio 4, Bunag 3, Garcia 3, Astrero 3, Resopa 2, Ubalde 2, Aguirre 2
Malabon (74) - Castro 20, Collado 20, Corongoy 14, Balucanag 5, Ortega 3, Joves 2, Bruno 2, Carangalan 2, Ingles 2, Parungao 2, Ronquillo 2, Pagayunan 0, Mangalindan 0
Quarterscores: 22-12, 39-37, 72-54, 103-74.